The First Trilogy (in Original Filipino Text) by Issa Bacsa - HTML preview

PLEASE NOTE: This is an HTML preview only and some elements such as links or page numbers may be incorrect.
Download the book in PDF, ePub, Kindle for a complete version.

PANIMULA

__________________________________________

Matapos kong maibigay ang manuscript ng Kung äng Txt i My KuPdo (",), hinikayat ako ng mga tagapaglathala na magsulat pa. Kaya binigyan nila ako ng mga mungkahi at inilista ko ang mga ito. Ngunit, nakaisip na ako ng pangalawang nobela. Paano kung nagkaroon ng girlfriend si Kuya Ed? Naalala ko noon na may nagsabi sa akin ng, "I like you, but that doesn't mean that I love you." Kaya ginamit ko ang katagang ito at nagsimulang isulat ang kuwento.

May mga pagkakataong napapahinto ako sa pagsusulat noong mga panahong iyon. Ngunit ang kuwento ni Ed ay unti-unting lumadlad sa aking harapan. Ang mga tauhan mismo ang nagdikta ng takbo ng kuwento. Nakatulong rin ang kasikatan ng game show na Who Wants To Be a Millionaire? Ginamit ko ang mga life lines ng mismong laro bilang pamagat ng aking mga kabanata. Bilang theme song, ang She ni Charles Aznavour ang naglalaro sa aking isipan habang isinusulat ito. Hindi ko inaasahan ang naisulat kong ending pero nagustuhan ko ang kinalabasan. Isinumite ko ito sa tagapaglathala noong Pebrero 2002. Inilimbag ito kasama ng tatlo pang mga kuwento tulad ng Eyes On Me na isinulat ng aking asawa.

Ang kuwento ng Can I Use My Love Line? ay nagsimula pagkatapos ng kuwento ng Kung äng Txt i My KuPdo (",). At sa mga nagtatanong kung ang kuwento ni Ed ay may pagka-whirlwind romance, ang masasabi ko ay... basahin n'yo na lang kaya.

- Issa N. Uycoco-Bacsa, Setyembre 2015