TUNGKOL SA MAY-AKDA
______________________________________
Isang manunulat, may-akda, at ina, si Issa Uycoco-Bacsa ay nagdesisyon noong 1999 na magsulat na lamang matapos maging isang Medical Technologist at Nurse ng limang taon. Matapos sumali sa mga scriptwriting workshops, nahirang siya bilang isa sa mga finalists (Honorable Mention) sa Film Development Foundation of the Philippines' Screenwriting Contest noong 2000. Ang kanyang pagkapanalo ay nagbukas ng oportunidad na magtrabaho sa Star Cinema/ABS-CBN Films, Inc.
Makalipas ng isa at kalahating taon, nagsimula na siyang magsulat ng nobela, komiks, at column. Nagpatuloy siya bilang manunulat hanggang sa naitatag niya ang Creative Mixed Media Freelancing. Nakatira siya sa Lungsod ng Quezon kasama ang kanyang asawa at anak. Ito ang kanyang unang tatlong akda.