The First Trilogy (in Original Filipino Text) by Issa Bacsa - HTML preview

PLEASE NOTE: This is an HTML preview only and some elements such as links or page numbers may be incorrect.
Download the book in PDF, ePub, Kindle for a complete version.

EPILOGUE

_____________________________________

100 weeks after. Okay, go compute! Ito ang mga updates and latest chika sa mga otaz:

GREG & DJ

Siyempre, kami pa rin. We just celebrated our 3rd year anniversary last month. Hulaan n'yo kung saan? Sa Paris! We're still with our same jobs. Makulit pa rin si DJ. Pero ang mga away namin ay paunti na nang paunti.

CHRISTINE & JEFFREY

Ikinasal sila last year. Two months old na ang aking inaanak na si Justin. Kasing guwapo ko dahil sa akin ipinaglihi. Puwera usog. Grade 1 na si Tina, and at age 7, mayroon siyang classmate na gusto nang manligaw sa kanya. Imagine!

ED & GIE

One year old na ang panganay nila na si Evangeline. And Gie is five months pregnant. Mukhang twin boys raw ang kanyang ipinagbubuntis. Lalong tumaba si Ed, mukhang tatay na talaga. Aside from their PT clinic, may bagong business na sila: pet shop.

LYN

Ex-boyfriend ang kanyang napangasawa. Mother of two boys. Teacher sa isang private school sa Metro Manila. Tumaba rin siya, ha? Hindi mo nga akalaing beauty queen noon, e.

ITAY TONIO

Ayun, may tindahan pa rin. Tagapag-alaga ng mga apong sina Tina, Evangeline, at Justin.

DADDY D. & NIMFA

Happy naman silang dalawa ngayong malaki na si Trixie. Nabili ni Daddy ang isang lumang bahay sa tabi at ginawa niya itong opisina para sa kanyang home-based business: related pa rin sa real estate and development at civil construction. Tutal, nariyan naman sina Kuya Ernie at DJ upang tulungan siya as sub-contractors.

KUYA ERNIE & ATE LIZA

Aba, bongga na si Ate Liza, may catering business na sila! Si Kuya Ernie ang bahala sa business side, at si Ate Liza naman ang bahala sa pagluluto. At sina Jonjon, Junix, at Janice ay proud to be young chefs. Ito ang resulta ng aming pagpu-food trip every Sunday.

POG & ALICE

Wow, eleven years na sila! Pinag-aaralan nila kung feasible na magtayo sila ng sarili nilang ad & marketing agency. At kapag natuloy 'yon, isasama nila ako.

MANANG BELEN & TERESITA

Loyalty awardees ng Domingo family. Sila pa rin ang mga maaasahan mo sa paglilinis, pagluluto, paglalaba, pamamalantsa, at iba pa. At hindi na nila ipinagpapalit ang mga damit namin ni DJ.

DADDY & MOMMY

Retired na si Daddy at naging active naman sila ni Mommy sa simbahan. Naghahanda kami ni DJ ng party for their 30th wedding anniversary. And guess what? They considered my inaanak, Justin, as their "apo".

SHEILA

Isang British photojournalist ang kanyang napangasawa. Na- meet niya ito sa airport nang minsang umuwi siya ng Pilipinas. Nagresign na siya sa clothing company na kanyang pinagtatrabahuan  upang sumama sa kanyang asawa at naging isang freelance writer.

DIREK GEORGE

Nag-box office hit ang kanyang pelikula at nominado pa siya sa FAMAS. Happy na siya ngayon dahil nakatagpo na rin siya ng partner sa buhay, si Jay.

SPLKK

Due to insistent public demand, na-extend ang teleserye kaya nagkaroon ng Book 2. Sino ang nakatuluyan ni Stella sa ending? Sorry sa mga nakipagpustahan, hindi si Fidel... kundi ang kontrabidang si Morgan!

THE END