Learn Tagalog Through Legends by Andrii Shybanov - HTML preview

PLEASE NOTE: This is an HTML preview only and some elements such as links or page numbers may be incorrect.
Download the book in PDF, ePub, Kindle for a complete version.

Ang Alamat Ng Buwan At Mga Bituin

The Legend of The Moon and The Stars

 

Noong unang panahon (Once upon a time) ay mababang-mababa ang langit (the sky was very low) [“langit” also means “heaven” but in this context “langit” means “sky”] at walang buwan ni bituin (and there was no moon nor stars). Bakit kaya tumaas ang langit? (Why did the sky rose?) Narito sa alamat na ito ang mga sagot (Here in this legend are the answers) [“ang” indicates singularity; “ang mga” indicates plurality].

Noong unang panahon ay mababang-mababa ang langit at walang buwan ni bituin. Bakit kaya tumaas ang langit? Narito sa alamat na ito ang mga sagot.

Si Maria at ang kanyang nanay (Maria and her mother) ay nakatira sa isang bahay-kubo (lives in a nipa hut) [bahay-kubo – nipa hut].

Si Maria ay may suklay na ginto (Maria has a golden comb) [suklay – comb] at kuwintas (and a necklace) na may butil-butil na ginto (that has grains of gold).  Halos araw-araw (Almost every day) ay isinusukat niya (she is trying) [isukat – to try; “try” same as in “to try a pair of shoes] ang suklay at kuwintas (the comb and the necklace) at tinitingnan niya (and she watches) sa kanyang anino sa tubig (in her shadow in the water) [anino – shadow] kung siya ay maganda (if she is beautiful).

Si Maria at ang kanyang nanay ay nakatira sa isang bahay-kubo. Si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda.

Isang araw (One day) nang isinusukat ni Maria (when Maria was trying) ang suklay at ang kuwintas (the comb and the necklace) ay tinawag siya ng kanyang nanay (her mother called her) - "Maria, magbayo ka ng palay" (“Maria, pound some rice grain”) [magbayo – to pound; “pound” here means to manually mill rice grains using a large wooden mortar and pestle], ang wika ng ina (her mother said) [“wika” also means “language” but in this context, it means “said”]. "Opo", ang sagot ni Maria (“Yes”, the answer of Maria) [“opo” is an honorific term for “yes”], ngunit hindi siya kumilos (but she did not act [on the order) [kumilos - to move/act ; ngunit - but]. "Maria, magmadali ka" (“Maria, you hurry”), ang tawag na muli ng matanda (the call again of the old) [“matanda” literally means “an old person” but literarily refers to her “old mother”], "Wala tayong bigas na isasaing” (“We won’t have rice to cook”) [bigas – rice].

Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

"Maria, magbayo ka ng palay," ang wika ng ina.

"Opo," ang sagot ni Maria, nguni't hindi siya kumilos.

"Maria, magmadali ka," ang tawag na muli ng matanda. "Wala tayong bigas na isasaing."

"Opo, sandali po lamang" (“Yes, just a moment”) [sandali – moment], ang tugon ni Maria (the reply of Maria), nguni't hindi niya inaalis (but she did not remove) [inalis – to remove] ang kanyang tingin (her look) sa kanyang anino (in her shadow) sa tubig (in the water). "Maria, sinasabi ko na sa iyong (“Maria, I am telling you) magbayo ka ng palay” (to pound rice grains”) [bayo – to pound]. “Magmadali ka” (“You hurry”) [madali - to hurry], ang galit na galit na utos ng matanda (the very angry commandof the old) [galit – angry; matanda - old].

"Opo, sandali po lamang," ang tugon ni Maria, nguni't hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig. "Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka," ang galit na galit na utos ng matanda.

Tumindig si Maria (Maria stood up) at tuloy-tuloy siya (and she proceeded) sa lusong ng palay (to the mortar of the rice grain) [lusong – mortal]. Hindi na niya naalis (She was not able to remove) ang suklay at kuwintas (the comb and the necklace). Alam niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay (She knows when her mother is very angry) [alam - know] ay dapat siyang sumunod kaagad (she must obey quickly) [sunod – to obey]. Nagbayo siya nang nagbayo ng palay (She pounded and pound rice grains). Pagkatapos ng ilang sandali (After a few moments), siya ay pinawisan (she sweated). “Napupuno ng pawis ang aking kuwintas" (“My necklace is filling with sweat”) [napuno– filling/being filled; pawis - sweat], ang wika ni Maria sa kanyang sarili (Maria said to herself).

Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan. "Napupuno ng pawis ang aking kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili.

Hinubad niya ang kuwintas (She stripped the necklace). Inalis ang kanyang suklay (Removed her comb). Isinabit ang mga ito sa langit (Hanged themin the sky) na noon ay mababang-mababa (that before was very low) at naaabot ng kamay (and can be reached by hand) [kamay – hand]. Habang siya ay nagbabayo (While she is pounding) ay tinitingnan ang suklay at kuwintas ([she] is looking at the comb and necklace).

"Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.

"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas" (“How beautiful are my comb and necklace”), ang wika ni Maria sa kanyang sarili (Maria told herself). "Pagkatapos kong magbayo ng palay (“The moment I finish the pounding of rice) ay isusuot ko ulit (I will wear again) ang aking suklay at kuwintas” (my comb and necklace”).

"Kay ganda ng aking suklay at kuwintas," ang wika ni Maria sa kanyang sarili. "Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas."

Sa gayong pagsabi (In such a thought) [“pagsabi” -“to verbally say”] ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay (she frequently pounded rice) upang ito ay matapos (so that it will be finished) at maisuot niya uli (and she can wear again) ang suklay at kuwintas (the comb and necklace). Tumaas nang tumaas ang pagbuhat niya ng halo (She lift the pestle higher and higher) [halo – pestle; tumaas - higher] at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong (and crashing it in the mortar, more frequently) [dumalas – frequently; pagbagsak – to crash]. Umaabot na pala ([It] was already reaching) [abot – to reach] ang dulo ng halo (the [back] end of the pestle) sa langit (in the sky), ngunit hindi niya napapansin (but she is not noticing) [napansin – noticed]. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin (Her sight is now on the rice).

Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni't hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin.

Tinitingnan niya (She is looking) kung malapit na siyang makatapos (if she is nearly finished) [malapit – near] upang maisuot niya (so that she can wear) ang suklay at kuwintas (the comb and the necklace). Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo (She lifted the pestle higher) [itaas - to raise up; buhat - to lift; lalo - more] upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong (so that it will crash strongerin the mortar) [malakas – strong; bagsak – to crash] at nang madaling mabayo ang palay (and so that the rice will be pounded easier).

Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.

Sa bawat pagtaas pala niyang halo (Each time she raises the pestlehigher) ay bumubunggo ang halo sa langit (the pestle is colliding against the sky) at sa bawat pagbunggo naman (and in every collision) ay tumataas ang langit (the sky rises higher). Nang mapuna ni Maria ang nangyayari (When Maria noticed what’s happening) [puna - to notice; mapuna - noticed] ay mataas na ang langit (the sky already rised). Tangay-tangay (Taking away) [tangay - to take away] ang kanyang gintong suklay at kuwintas (her golden comb and necklace). Hindi na niya maabot ang mga ito (She already cannotreach them) [hindi - no/cannot; na - already; maabot – to reach].

Sa bawa't pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawa't pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.

Tumaas nang tumaas ang langit (The sky rose higher and higher). Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas (The comb and necklace are also rising higher and higher) [tumaas – rising higher; din - also]. Noong gabing yaon (During that night) ay umupo si Maria sa may bintana (Maria sat by the window) [bintana – window] at tinintingnan niya ang langit (and she is looking at the sky) na ngayon ay mataas na mataas na (that is now very high) [ngayon – now]. Hinanap niya ang kanyangsuklay at kuwintas (She looked for her comb and necklace).

Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas.

Naroroon ang kanyang gintong suklay (Her golden comb is there) [naroon – there] at siyang naging buwan (and it became the moon) [naging – became]. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas (The golden grains of her necklace) ay nagkahiwa-hiwalay (are separated) [hiwalay – to separate] at siya namang naging mga bituin (and it became the stars) [maging – to become].

Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.

“Lalong maganda ngayon” ang aking gintong suklay (My golden comb was “more beautiful now”) [lalo – more], ang wika ni Maria sa kanyang sarili (Maria told herself) [sarili – herself/himself], “At anong kinang (“[and] How brilliant) [kinang – brilliant] ng mga butil ng aking kuwintas!” (are the grains of my necklace!”)

"Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay," ang wika ni Maria sa kanyang sarali, "At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!"