The First Trilogy (in Original Filipino Text) by Issa Bacsa - HTML preview

PLEASE NOTE: This is an HTML preview only and some elements such as links or page numbers may be incorrect.
Download the book in PDF, ePub, Kindle for a complete version.

Chapter 6: PAKISABI NA LANG

__________________________________________

BIRTHDAY NI ITAY at kailangan ko siyang batiin ng Happy Birthday. Kaya nag-text ako kay Jonathan at nakisuyo.

"Favor nmn o. F evr mkkusap mo c Ed 2day, pls tel him 2 greet Itay hapi bday. Thx. Pkisbi n rin n uuwi ako s 22nd. Tel Ed 2 col m hir. He knows my #. Thx uli. =)"

"Sure. Dats gr8. Mkikita n rin kta s wkas. (",)" sabi ni Jonathan.

Uuwi ako ngayong Pasko pero magsusulat ako ng script habang nagbabakasyon. Sinabi ko ito kay Jonathan sa text at ipinaliwanag ko na may deadline ako. Pinayuhan naman niya ako na huwag maging subsob sa trabaho ngayong Pasko. Sa tema ng kanyang mga mensahe, para siyang nagiging concern sa sobra kong pagpupuyat. Sinabi ko sa kanya na talagang ganyan ang aking trabaho. Nasabi ko pa sa kanya na madalas akong mapag-isa dahil lagi akong nag-iisip ng maisusulat. Parang gusto kong sabihin na "huwag mo muna akong distorborhin" pero hindi ko magawang sabihin ng deretsuhan sa text lalo pa at bagong kaibigan.

SINABI NG AKING KASERA na tumawag si Ed noong hapong 'yon. Wala ako noong tumawag siya. Kaya nag-text ako kay Jonathan.

"2mwag c Ed but I was not hir. Thx 4 teling him my msg. =)" Gabi na nang mag-text si Jonathan sa akin.

"wén U féel like

nobödy luvs U &

cäre 4 U & wén

U feel like

évery1 S

ignöring U, lä Un!

ubos lng prepaid

nilä!"

Sinundan pa niya ng isa pang mensahe. "Wlng anumn yon. Bsta ikaw. d;o)#"

Maliban kay Greg, si Jonathan ang laman ng aking Inbox. Hindi ko naman mapigilang sagutin ang kanyang mga text dahil nakakatuwa ang mga ito at minsan pa nga ay kinakailangang mag— react.

Nang mag-check ako ng balanse, nangangalahati na pala ako sa aking prepaid load. Pero parang hindi ako nanghihinayang sa mga nagastos na text messages dahil masaya naman ako lalo na kay Jonathan.