The First Trilogy (in Original Filipino Text) by Issa Bacsa - HTML preview

PLEASE NOTE: This is an HTML preview only and some elements such as links or page numbers may be incorrect.
Download the book in PDF, ePub, Kindle for a complete version.

Chapter 7: ISANG TULOG NA LANG

___________________________________________

CHRISTMAS PARTY SA OPISINA. Nagpa-cater ang aming executive producer na si Tita Elvie. Lahat ng cast, staff, at crew ng "SPLKK" (abbreviation ng aming teleserye) ay naroon. May mga parlor games, exchange gifts, at may mga give-aways na ipinamigay ang TV station. Masaya ang kinalabasan ng pagtitipon. Hindi ko namalayan na nag-text si Jonathan sa akin.

"1ng 2log n lng, mkkta n rin kta. u"

Nag-isip muna ako kung sasagutin ko ang text o hindi. Timing muli si Greg na lumapit at nakiusyoso sa natanggap kong mensahe. Nahulaan niya kung ano ito.

"Nag-text uli ano?" tanong ni Greg.

Tumango ako at ipinakita sa kanya ang text.

"O 'di ba? Excited na siyang makita ka. May ka-eyeball ka na bukas. Text mo sa akin kung papa-ble ha?" sabi ni Greg.

"Ano'ng papa-ble?" tanong ko.

"Kung pasado na siya sa pagiging papa mo. Siyempre, I'm expecting na mas matino siya kay Jeffrey, at mas guwapo kay Jun."

Naku, ang kaibigan ko talaga. Kung hindi lang bakla si Greg, siguro nagselos na ito.

"Sige, kung gusto mo, sa amin ka na lang magbakasyon. Tutal, wala kang balak umuwi sa probinsiya n'yo," anyaya ko kay Greg. "Para makita mo rin si Jonathan at makilatis," dugtong ko pa.

"O sige, para masilayan kong muli ang aking papa Ed," sabi ni Greg.

Na-excite tuloy si Greg sa ideyang magkikitang muli sila ng aking kapatid. Nakakatuwang tignan si Greg sa pag-iilusyon. Daig pa niya ang babae.

Madaling araw na natapos ang party. Hinatid ako ni Greg sa boarding house. Pagdating ko, nakita kong may isang text message mula kay Jonathan.

img11.png

img12.png

img13.png

img14.png

Natuwa naman ako sa tinext niyang 'yon. Kahit pasado alas dos na ng madaling araw, hindi pa rin ako dalawin ng antok. Sumagi sa aking isipan si Jonathan. Ano kaya ang kanyang hitsura? Guwapo kaya? Mai-in love kaya ako sa kanya? Hindi ko na malaman kung ilang daydreams na ang naisip ko at kung ano ang pupuwede sa isinusulat kong telenobela. Nakatulog na nga ako hawak ang isang libro na isinulat ni Danielle Steele.