Chapter 5: I DO (CHERISH YOU) ___________________________________________
SALAMAT AT TAPOS NA AKO sa week 12. Week 15 naman ang aking isusulat. Si Greg ang susulat ng week 13 at si Lanie naman ang week 14. Mabuti at ang deadline ko ay sa Enero 3 pa.
Deadline ni Greg sa Sabado kaya text ng text sa akin.
"Chris, help!" sabi niya.
"Kya mo yan," ang sagot ko naman.
Ako kasi ang palaging nage-encourage kay Greg kapag siya'y nahihirapan. Aaminin ko na mas matapang at mas malakas ang aking loob kaysa kay Greg sa halos lahat ng bagay. Kaya tuloy napagkakamalan pa ako ng ibang tao na tomboy tulad ni Direk MAN.
"Mdugo ang confrntatn scene nna Morgan @ Stella! Pno ko 2 mpupul-off?" tanong niya.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Greg. Napag-usapan noong brainstorming na magkakasagutan ang bidang babae at ang kontrabidang lalaki na mauuwi sa isang matinding away. Alam ko ang pinagdaraanan ni Greg. Alam ng writer ang plot ng istorya, pero kapag isinusulat na, nagiging mahirap na ito.
Nang maglaon, nakukulitan na ako sa mga text ni Greg. Minsan x-rated na ang kanyang mga text messages sa akin. Naiintindihan ko siya dahil alam kong inaaliw lang niya ang kanyang sarili sa hinaharap na pressure.
Tumunog uli ang aking cellphone, akala ko si Greg na naman 'yon. Hindi pala. Si Jonathan.
"dö U txt mé 2 B
Ur läwfully
löväblé txtm8 2
hav & 2 höld 4
rich quotés or
cörny jokés N
txt métering & N
pöör signäl till
low bätt dö us part?"
Ano ito? Kinakasal sa text? Ibang klase talaga ang mga text messages. Mapa-kanta, mapa-tula, nagagawang biro sa text. Dahil palabiro ang aking mood mula pa kay Greg, pabiro kong sinagot ang text ni Jonathan.
"Wat F I say I do? =)"
"E d ok! (",)"
Napaisip ako. Seryosohin kaya ito ni Jonathan? Pinorward ko ang text kay Greg.
"Sgu10 mo n!" sabi ni Greg.
"Ayw ko nga! D ko p cya kilala no?" sagot ko.
"E d mgpakilala. Mgeyeball kyo," suggest pa niya.
"Nge! Ayaw ko nga."
Natatakot ako sa gustong niyang mangyari. Hindi ko maisip sa aking sarili na makikipagkita ako sa taong hindi ko kilala. Iba naman kasi kapag job-related ang aking pakikipagkita tulad ng mga interviews. Iba si Jonathan, unknown textmate, hindi resource person. Pero sa sunud-sunod na pagte-text ni Jonathan sa akin, nararamdaman ko na nanliligaw na nga yata ang lalaking ito. Teka, ilang taon na kaya si Jonathan? Baka naman high school pa lang ito.
"May i know how old r u?" tanong ko kay Jonathan sa text.
"28. How abt u?" sagot niya.
"26."
"Not bad," sabi niya.
Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Minabuti ko na lang na huwag muna mag-text sa kanya. Pero hindi ko napigilang mag-text uli.
"Wer do u work?" tanong ko.
"Im working in sales. I sell drugs," sagot niya.
"WHAT?"
"Med rep ako."
Sunud-sunod na ang pagte-text namin. Minsan, nakakaabala na ang mga text ni Greg.
"Akala ko c Jonathan k n. COW lng pla!" sabi ko.
"Bruha!" sagot ni Greg.