5
SA BAWAT PAGSASAMA ay may dumarating na mga pagsubok. Kung ang mga kulitan namin ni DJ na nauuwi sa tampuhan at LQ ay masasabi ko na mga pagusubok sa aming relasyon, nagkamali ako.
Okay na kay DJ ang pumunta ako sa Moncada kapag naimbitahan ako ni Christine. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa ipinapakilala si DJ sa kanya.
Isang umaga ng Hulyo, nakatanggap ako ng text mula kay Christine.
"Pls help me. Big prob w/ Jeffrey."
Ano kaya 'yon? Nag-text ako sa kanya upang tanungin kung ano ang problema.
"Punta k d2 pls," pakiusap ni Christine sa text.
Nagpunta naman ako sa boarding house na kanyang tinutuluyan at doon ko na nalaman na nag-away pala sila ni Jeffrey dahil sa matinding pagseselos ni Christine. May hinala kasi si Christine na may ka-relasyon si Jeffrey na doktora. Med. rep. kasi si Jeffrey kaya lagi niyang nakakasalamuha ang mga doktor. Iyak ng iyak si Christine at natatakot na baka maulit ang nangyari noon.
Bilang kaibigban, kinomfort ko si Christine. Pinayuhan at nilibang, kaya magkasama kami hanggang hapon. Nakalimutan ko na may appointment pala ako kay DJ ng alas sais ng gabi. Ang malala pa nito, maga-alas singko na, kaya nag-text ako kay DJ na mali-late ako at nangako na magta-taxi na lamang.
Ay, ang galing ng driver ng taxi na nasakyan ko! Sinabi ko kay Manong Driver na mag-EDSA na lang kami. Kaso, pinagpilitan niya na sobrang traffic daw sa EDSA kaya magsi-C5 kami. Kaya ayun, lalo kaming na-traffic. Nag-text uli ako kay DJ tungkol sa aking traffic situation. Medyo galit na siya sa kanyang sagot. Na-late ako ng one and a half hour. Galit na talaga si DJ.
"Ano ba'ng mayroon si Christine that you can just simply forget me?" ani niya.
Mahinahon akong nagpaliwanag at humingi ng dispensa sa kanya pero nabigo ako. Selos to the max ang DJ. Galit siya, pissed off ako. Hindi na kami nagkibuan buong gabi.
KINABUKASAN, nakatanggap ako ng text mula kay Christine.
"We need 2 talk. Meet tayo s Nitz 2moro @ 10am!"
Ang Nitz ay isang maliit kainan na naging tambayan na namin ni Christine. Akala ko naman ay tungkol sa problema niya kay Jeffrey ang sasabihin. Hindi pala.
"Alam mo, Greg, sinungaling ka," ani Christine.
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Seryoso siya, mukhang galit.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na lalaki pala si DJ?"
Hindi ako makasagot. Ito na ang kinatatakutan ko na mangyari.
"Christine, I'm sorry," sabi ko.
Agad kong ipinaliwanag sa kanya ang mga sinabi niya sa akin noon na humantong sa aking pagsisinungaling.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Hindi na importante kung paano ko nalaman," sagot niya.
Naghinala na ako na si DJ ang may kagagawan nito.
"Grabe ka, Greg, niloko mo ako," ani Christine. "Ten years na tayong magkaibigan, pero ten years mo na rin pala akong niloloko!"
"Hindi kita niloloko, Christine," sabi ko.
"Ano'ng hindi? Nagpapaka-bading ka diyan pero deep inside may gusto ka pala sa akin!"
Tameme ako. Totoo kasi.
"All these years, Greg," patuloy ni Christine, "'yung mga akbay mo, mga hawak mo, mga yakap mo, akala ko walang malisya. Mayroon pala."
"Christine, let me explain. Hindi ganoon..."
Hindi na ako makapagpaliwanag dahil galit na si Christine at dire-deretso na siya sa pagsasalita. Para akong mina-machine gun. Pero ang huli niyang sinabi ang nakapagpasama ng aking kalooban.
"Kadiri ka, Greg," ani niya. "Iba na ang tingin ko sa iyo ngayon."
MASAMA ANG LOOB KO kay DJ. Hindi ko siya binati o kinakausap man lang nang dumating ako sa bahay. Nahalata niya siguro na galit ako sa kanya kaya lumapit siya sa akin.
"Galit ka ba sa akin?" tanong niya.
Hind pa rin ako kumibo. Dumiretso ako sa banyo upang mag— shower. Narinig ko si DJ na nasa pintuan ng banyo.
"Mahal, I'm sorry," ani niya. "Me and my impulsiveness. I shouldn't have told her those things."
Naglitanya na si DJ ng mga dahilan kung bakit niya nagawang sabihin ang lahat kay Christine. Tumigil lang siya nang lumabas ako ng banyo.
"Look, DJ," sabi ko sa kanya, "the damage has been done."
Agad akong nagbihis.
"Saan ka pupunta?" tanong ni DJ.
"Aalis muna ako, magpapalipas ng sama ng loob."
"Sama ako."
"Huwag na. Just leave me alone."
MAG-ISA AKONG PAGALA-GALA sa mall. Ngayon lang ako nakadama ng ganitong kalungkutan. Ito nga ba ang kapalit ng inukong kong pagmamahal kay DJ: ang mawalan ng isang matalik na kaibigan?
Nag-check in ako sa isang hotel at doon nagpalipas ng ilang oras. Bandang 8:30 ng gabi, pumunta ako sa malapit na music lounge upang uminom at maglibang. Sinadya ko na i-off ang aking cellphone para hindi ako makatanggap ng tawag mula kay DJ.
1:30 na ng madaling araw na ako nakabalik sa hotel. Nakatulog agad ako.
Biglang nagring ang telepono sa aking silid. Pasado 3:00 ng madaling araw. Inisip ko na baka information desk nagmula ang tawag kaya sinagot ko ito.
"Hello?"
"Greg," narinig ko ang boses ni DJ sa kabilang linya.
"Panglabing anim na hotel itong natawagan ko. Mabuti nariyan ka. I'm about to lose my mind..."
"DJ, alam mo ba kung ano'ng oras na?" tanong ko.
"Kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo. Naka-off ang cellphone mo siguro. And I'm getting worried..."
"DJ, I'm fine. Sinabi ko naman sa 'yo na magpapalipas lang ako ng sama ng loob," sagot ko.
"Greg, umuwi ka na, please. Kung gusto mo, susunduin kita riyan."
Eto na naman po kami ni DJ...
MARAMI ANG NAKAPANSIN sa SPLKK na hindi na kami nagpapansinan ni Christine. May nagtatanong kung ano nga ba ang totoong isyu sa aming dalawa. Ngunit hindi ako nagsasalita. Hinayaan ko na lang kay Christine magmula ang lahat ng kasagutan. Naging civil na lang ang pakikitungo ko kay Christine at purely professional. Hindi na kami gaya ng dati na masaya. Tuluyan nang magkakahiwalay ang The Supertwins.
NAGING DEPRESSED ako ng ilang araw. Minsan, habang nagsusulat ng script, nagulat ako nang tapikin ni DJ ang aking balikat.
"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan," sabi ni DJ.
"Ha? Ganoon ba?" tanong ko. "Blangko kasi ang utak ko.
Hindi ako makapagsulat."
"Greg, do you still blame me for what happened?" tanong niya.
"Of course, not," sabi ko.
NAGHAHAPUNAN KAMI ni DJ nang dumating sina Pog at Alice. Excited si Alice na lumapit sa akin.
"Greg, may good news ako," ani Alice. "May nakuha kaming bagong account sa agency. Kailangan nila ng panibagong creative team para dito. Mag-apply ka."
"Sige, brod, try mo lang," sabi naman ni Pog sa akin. "Malaki ang suweldo kapag natanggap ka. Kung gusto mo, irerekomenda pa kita sa Creative Director."
'IKA NGA, "When God closes the door, He opens a window."
Siguro nga, hudyat na ito ng panibagong buhay para sa akin.
Sinubukan ko na mag-apply sa advertising agency na pinagtatrabahuan nina Pog at Alice. Mapalad naman ako na matanggap sa creative team. Agad akong nag-submit ng resignation letter sa TV station at nagpaalam na sa mga kasamahan ko sa SPLKK.
"That's what you call career growth," ani Direk George sa akin.
"Good luck. We'll miss you."
Nagkyakapan kami, kulang nga lamang ng iyakan. Totoong mami-miss ko silang lahat.
"Good luck," ani Christine.
"Thanks," sagot ko naman.
At iyon na ang huli naming pagkikita.
MARAMI SA MGA KAKLASE ko noong high school ang isinilang sa buwan ng Oktubre. Kaya nagpasya sila noon na maglaan ng isang araw para sa isang birthday celebration ng mga Octoberians kasabay na ng high school reunion taun-taon.
Nakatanggap muli ako ng imbitasyon upang dumalo sa reunion. Hindi kasi ako nakapunta last year. Kailangan ko raw pumunta ngayon dahil darating sina Sheila at dalawa pa naming kaklase mula Amerika.
Nagring ang aking cellphone. Ang tawag ay mula sa Zamboanga City.
"Hello?" sabi ko sa ibang tono ng boses.
"Greg, how are you, anak?" narinig kong bati ni Mommy.
"Hi, Ma," sabi ko. "I'm fine."
"Anak, Sheila called me. Hindi ka na raw niya ma-contact," ani Mommy.
Hindi ko nga pala na-inform si Sheila na nagpalit na ako ng address.
"Nakikiusap na kung maaari ay sunduin mo siya sa airport," patuloy ni Mommy hanggang sa ibinigay na ang buong flight details ni Sheila.
"Sure, Ma," sabi ko.
OCTOBER 20. Nasa airport ako upang sunduin si Sheila. Ang paalam ko kay DJ ay susunduin ko ang isang malayong kamag-anak. Hindi ko binabanngit ang pangalan ni Sheila at baka magselos na naman si DJ. Ayaw ko nang maulit muli ang nangyari noon kay Christine.
Three years ago ko huling nakita si Sheila. Matagal siyang nagtatrabaho bilang marketing officer ng isang kilalang brand ng mga kasuotan na base sa Amerika. Mayroon silang outlet dito sa Pilipinas pero sobrang mahal ang bilihin dito. Kaya suwerte ako kapag nabibigyan ni Sheila ng mga t-shirts, polo, pantalon, at pabango na mula sa brand na iyon. Libre na, original pa.
Hindi ko nakilala si Sheila kaagad. Brown na ang kulay ng kanyang buhok, mas maputi na siya ngayon, slim at sexy pa rin.
"Ihahatid na kita sa bahay ng pinsan mo," alok ko.
"No. Magche-check-in ako sa hotel," sabi niya.
Nagtaka ako. Dati-rati ay inihahatid ko siya sa bahay ng asawa ng kanyang pinsan sa Paranaque.
"Hiwalay na sila ng pinsan ko," paliwanag ni Sheila na may American twang. "Ayaw kong pumunta doon para wala na silang masabi sa pamilya namin."
Kaya tumuloy kami sa isang five-star hotel sa Makati.
Handa na akong magpaalam sa kanya nang lumapit si Sheila sa akin. Nasa aking balikat ang kanyang mga kamay.
"I miss you, Greg," sabi ni Sheila.
At bigla niya akong hinalikan sa labi ng may pagnanasa.
Naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking pantalon, alam na alam ang gagawin. Siya pa rin ang Sheila na nakilala ko, agresibo pa rin pagdating sa ganitong bagay. Hindi ako makaalpas sa kanyang bitag.
HINDI KO NA BINANGGIT kay DJ ang mga nangyari. Pero nagpaalam ako sa kanya na uuwi ako ng Zamboanga City.
"Sama ako, Mahal," sabi ni DJ.
"Huwag na," sabi ko naman. "Saglit lang ako doon."
October 27 and nakatakdang araw ng aming high school reunion. May naka-reserve na akong flight sa 25th. Uuwi ako mga November 3.
"Nandoon ba si Sheila?" tanong ni DJ.
"Kahapon pa siya pumunta ng Zamboanga," sagot ko. "Don't tell me, nagseselos ka na naman."
NAKAUWI NAMAN AKO sa Zamboanga City as scheduled.
Tuwang-tuwa ang aking Mommy. Ngunit kailangan ko nang mag— change mode sa macho. Macho-nurin.
"Ay, anak, mabuti umuwi ka," sabi ni Mommy nang salubungin niya ako.
"How's your work sa advertising?" tanong naman ni Daddy nang magkausap kami.
"Okay naman po, Dad," sagot ko.
Ingat na ingat ako sa bahay. Lalo na ngayon na tawag ng tawag si DJ sa aking cellphone. Nangungulit. Naglalambing.
"DJ, hindi pa alam ng mga magulang ko ang tungkol sa atin," sabi ko nang pabulong, baka kasi may makarinig. "No one here knows that I'm gay."
"I miss you, Mahal," ani DJ sa kabilang linya.
"I miss you, too. But please, will you stop calling me every two hours?"
MASAYA NAMAN ang high school reunion namin. Behaved pa rin ako gaya ng pagkakakilala ng aking mga kaklase sa akin. Tinutukso pa rin nila ako kay Sheila. Game naman si babae that night. Kaya hindi naiwasang maulit muli ang nangyari sa amin sa hotel. Naisip ko, nakaka-guilty na rin kay DJ.