The First Trilogy (in Original Filipino Text) by Issa Bacsa - HTML preview

PLEASE NOTE: This is an HTML preview only and some elements such as links or page numbers may be incorrect.
Download the book in PDF, ePub, Kindle for a complete version.

6

_____________________________________

GINISING AKO ni Mommy mga pasado alas otso ng umaga.

"Greg, gising na, anak," narinig kong sinabi ni Mommy. "May bisita ka."

Bisita? Sino? Ang aga naman ng bisitang iyan.

"Sino, Ma?" tanong ko.

"DJ daw."

Napabangon ako kaagad. Si DJ? At bakit niya ako sinundan dito?

"Sige, Ma, pakisabi na bababa na ako."

HINILA KO SI DJ palabas ng bahay at sa garden kami nag-usap.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Hindi ko na matiis, e," ani DJ. "Okay lang 'yung mga overnight mo noon with Christine. Pero ito, sobrang tagal na bakasyon. Greg, I can't stand it."

"Psst! Huwag kang umastang bakla dito," paalala ko.

"Can I stay here?"

"No."

"Please?"

"I said, no."

"You can tell your parents that I'm your best friend in Manila." Oh, DJ! Here we go again.

INIHANDA NI MOMMY ang guest room para kay DJ. Hindi man kami magkasama sa iisang kama, sana makuntento na muna siya na magkasama kami sa iisang bubong.

Doble ingat kaming dalawa ni DJ nang maghapunan kami.

Parang imbestigador kung magtanong si Daddy kay DJ.

"So how did the two of you meet?" tanong ni Daddy kay DJ.

Ako na ang sumagot.

"He's my schoolmate in college, Dad."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Greg."

"He's right," ani DJ. "We're batchmates, and he used to court my sister."

Oops. Mukhang istorya namin ni Christine 'yun, a. Mabuti na lang at matandain si DJ. Naaalala niya ang mga ikinuwento ko sa kanya tungkol kay Christine noon.

"So you know about Sheila?" tanong naman ni Mommy.

"Opo," sagot ni DJ.

"Have you met her?"

"Not yet, Sir."

Uh-oh. Ingat lang, DJ. Baka mabuking tayo.

DUMATING SI SHEILA sa bahay namin. At home na siya sa amin dahil kaibigan ng mga magulang ko ang pamilya niya.

"Hi, Greg," bati ni Sheila.

"Hi," bati ko naman. "Sheila, this is my friend, DJ."

"Pleased to meet you," sabi ni Sheila kay DJ.

Nagkamayan silang dalawa.

"By the way," ani Sheila, "balak kong pumunta ng Dakak. Sama kayo."

"Sinu-sino ang mga kasama?" tanong ko.

"I invited sina Jenny, Andrew, at Rica," sabi ni Sheila.

Subalit nang tawagan ni Sheila ang mga inimbitahan upang mag-confirm, wala ni isa ang sumama. Kaya threesome kami na lumuwas ng Zamboanga del Norte patungong Dakak Beach Resort.

NAHALATA KO NA HINDI MAPAKALI si DJ kapag kausap ko si Sheila. Iba ang tingin niya kay Sheila. Nagseselos na naman.

"DJ, please," pakiusap ko, "Sheila doesn't know about us."

"Mahal, sooner or later, malalaman rin niya," ani DJ.

"GREG. ARE YOU GAY?" tanong ni Sheila.

"What?"

"Come on, Greg," ani Sheila. "Hindi ako tanga. Halata ko kayo ni DJ."

Hindi ako makapagsalita. Huminga muna ako ng malalim at saka sumagot. "And what would you say if ever I admit it?"

Ngumiti lang siya sa akin. "Okay lang," ani niya. "Nakipag-sex rin ako sa isang bisexual na Kano, e."

Napangiti ako. Mabuti na lang at liberated si Sheila.

"Akala ko, mandidiri ka," sabi ko sa kanya habang naalala ang mga sinabi ni Christine noon.

"Mandidiri siguro ako kapag promiscuous ka," ani Sheila.

"I'm not," sabi ko. "Kayo lang dalawa ni DJ ang nakasama ko."

"Really?"

Kaya nakahinga ako ng maluwag noong hapon na iyon. Okay na rin sina DJ at Sheila.

"Alam mo, nakakatuwa," ani DJ nang minsang nag-iinuman kaming tatlo. "We're sharing the same man."

Natawanan sila ni Sheila.

"Ako na naman ang nakita niyo," sabi ko.

"Does your father know?" tanong ni Sheila.

Umiling ako.

"Any suggestion, my closest rival?" pabirong tanong ni DJ kay Sheila.

"I think Tito Greggy should know," sagot ni Sheila. "The sooner, the better."

Tinignan ko si Sheila, pagkatapos ay tinignan ko si DJ. Ang daling sabihin, ang hirap sigurong gawin.

PARA MAKAIWAS LANG ako kay Daddy, palagi kaming lumalabas ni DJ. Minsan, sa sobrang kakulitan ni DJ, napikon na naman ako at nauwi na naman ito sa away.

Nasa loob kami ng aking silid nang mag-away kami. Nakasara ang pinto, ngunit hindi ko matandaan kung naka-lock ito o hindi.

Hindi naman maiwasan na magtaasan kami ng boses ni DJ dahilĀ  pareho na kaming galit.

"You shut up!" sigaw ko kay DJ.

Natigilan siya. Ngayon lang ako nagtaas ng boses ng ganito.

Nakita ko na lang siyang tahimik na umupo sa gilid ng aking kama.

Ilang saglit rin kaming naging tahimik. Na-guilty ako. Lumapit ako kay DJ. Lumuhod ako sa kanyang harapan at hinawakan ang magkabilang balikat.

"DJ, I'm sorry," sabi ko. "Intindihin mo naman sana ang sitwasyon ko."

"We can't go on pretending, Greg," ani niya.

"Please give me some time."

"We don't have much time."

Kaunting katahimikan. Naglapat na ang aming mga noo. Unti-unting naglapat na rin ang aming mga labi. At nagkayakapan. Ang tagal namin sa ganitong posisyon nang makarinig kami ng boses.

"What's going on here?" mariing tinanong ni Daddy.

MATAGAL NANG NAKALABAS ng silid si DJ. Ngunit

nanatili pa rin kaming nakatayo ni Daddy sa aking silid; ako sa tabi ng kama, siya sa may pintuan. Walang nagsasalita sa amin. Ang tagal ng katahimikan.

"Get out of this house," sabi ni Daddy. "Now!"

Tumango lang ako sa kanya. Nagbuntung-hininga at kinuha ang aking travelling bag. Nagsimula na akong mag-empake. Narinig ko ang lakas ng pagkakasara ni Daddy ng pintuan. Naiiyak ako. Mas masakit pa ang kanyang sinabi kaysa mga nasabi ni Christine.

Itinakwil ako ng sarili kong ama.

"AYAN KA NA NAMAN,' sabi ni DJ sa akin. "Depressed."

Hindi ako kumibo. Kinuha ko ang kanyang kamay at hinila ko siya patungo sa akin upang mayakap ko. Ang tagal naming ganito.

"Siya nga pala," ani DJ, "tumawag uli ang Mommy mo. Tinatanong kung okay ka na raw ba."

Mula nang umalis kami ng Zamboanga City, panay na ang tawag ni Mommy sa aking cellphone at sa landline dito sa bahay.

"Hi, Ma," bati ko kay Mommy nang tumawag siya sa aking cellphone.

"Uuwi ka ba this Christmas?" tanong ni Mommy sa kabilang linya.

"Ewan ko, Ma," sagot ko. "Baka kasi galit pa rin sa akin si Daddy."

"Umuwi ka," ani Mommy. "Isama mo pa si DJ kung gusto mo. Ako na ang bahala sa Daddy mo."

"Ma, hindi pa ako sigurado kung makakauwi ako."

"Greg, anak..."

Alam ko na ang kasunod noon. Hindi naman kita pinabayaan. Bakit ka nagkakaganyan? Ano'ng nagawa ko sa iyo? Ano'ng kasalanan ko sa Diyos? Atchu-chu-chu. Atchu-chu-chu.

"Ma, don't blame yourself," sabi ko. "Ikaw pa rin ang the best para sa akin. Wala kang pagkukulang. Ako ang nagdesisyon nito."

"Sa bagay, wala na tayong magagawa pa."

Sandaling katahimikan.

"O ano, uuwi ka ba?" tanong uli ni Mommy.

"Titignan ko po," sabi ko. "Pero 'di ko po maipapangako."

Tapos nag-iba na kami ng paksa.

"Ma, baka malaki na ang babayaran mo sa long distance call na ito," sabi ko.

"Wala akong pakialam," ani Mommy. "Bahala ang Daddy mo na magbayad nito. Kasalanan naman niya, e."

Ang tagal naming nag-usap, mahigit 40 minutos.

"Greg, what does DJ stands for?" naitanong ni Mommy.

"Diosdado, Jr. po," sagot ko naman.

"Hoy, Gregorio Jose III, umuwi ka ngayong Pasko, ha?"

OPEN BOOK na sa pamilya ni DJ ang nangyari sa Zamboanga. Kaya nang magpaalam ako na doon magpa-Pasko, okay lang sa kanila. Ngunit nagdadalawang-isip ako kung isasama ko si DJ o hindi. Hindi kasi ako sigurado kung mapapatawad ako ni Daddy.

"Que kasama si DJ o hindi, ang mahalaga magkausap kayo ng Daddy mo," sabi ni Pog.

"E, Ate, makaka-file ba ako ng leave sa trabaho?" tanong ko.

"Huwag kang mag-alala," sabi ni Pog, "kakausapin ko ang boss mong si Gachi."

Matagal rin kaming nag-usap ni Pog.

"'Di ba mas masarap ang feeling kapag na-settle mo lahat before New Year?" ani niya.

And I agree.

BINATI KO SA TEXT ng Merry Christmas si Direk George.

"Meri Xmas din. Punta k sa Xmas party sa Dec 15," text ni Direk.

Ayos. Makikita kong muli si Christine. Sana magkabati na kami bago man lang mag-Bagong Taon.

"KAILAN ANG UWI MO?" tanong ni Mommy sa phone.

"Sa December 22 ang flight ko, Ma," sagot ko.

"Kasama ba si DJ?"

"Opo."